Abante Tonite Interactive

Pulis-Caloocan, 2 kaanak inaresto sa pag-aamok

By
2,061

Magkakasamang nakakulong ngayon ang isang pulis-Caloocan at dalawa nitong kamag-anak matapos mag-amok at magpaputok ng baril sa Brgy. Claro sa Project 3, Quezon City.

Kinilala ni Quezon City Police District director Chief Supt. Guil­lermo Eleazar ang mga suspek na sina PO1 Marcos Lagui; kapatid nitong si William, at pinsan na si Daniel Guillermo.

Nakakulong sila ngayon sa Anonas ­Police Station 9.

Nabatid na nasapul ng CCTV camera ng barangay ang pag-iikot sa lugar ng tatlo na parang naghahanap ng away. Maging ang mga kabataan doon ay hinahamon nila.

Sa kuwento ng barangay chairman ng Claro na si Ronald Tagle, may lalaking nilapitan si PO1 Laqui at hinamon ng away kasunod ng pagbunot ng kanyang baril at nagpaputok pa nang dalawang beses na mabuti na lang ay walang tinamaan.

Nahaharap sila sa kasong alarm and scandal. Si PO1 Lagui naman ay sasampahan din ng kasong administratibo at posibleng masibak sa pagka-pulis, ayon kay Eleazar. ­