Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pulis-Crame namaril ng 3 kabaro

0 59

Sugatan ang 3 pulis, isang binatilyo, at ang namaril na suspek na pulis din sa Cubao, Quezon City, nitong Huwebes ng umaga.

Kinilala ang sugatan na sina Patrolman Nurruhudin Salahudin; P/Cpl. John Mark Forayo, at P/Cpl. Romeo Tandayu. Habang ang salarin ay si P/Lt. Emmanuels Jovero, 40, nakatalaga sa PNP Personnel Holding & Accounting Unit sa Camp Crame, Quezon City. Damay rin ang anak nito na 17-anyos.

Alas-6:30 ng umaga nang mangyari ang insidente sa Brgy. Bagong Lipunan kung saan magkapitbahay sina Salahudin at Jovero. Nakita umano ni Salahudin na nagsasalita mag-isa si si Jovero sa labas habang hawak ang sling bag, pero sa hindi malamang dahilan ay bigla umano siyang inakusahan ng kung anu-anong isyu.

Tinutukan umano ng baril ni Jobero si Salahudin at dinala sa comfort room kung saan naroon ang isa pa nilang kapitbahay na si si Pat. Romesyl Destura.

Rumesponde sa insidente sina Forayo at Tandayu at pagdating sa lugar ay tinangka nilang pakalmahin si Jovero. Pero sa halip, ginawa umanong panangga ni Jovero ang kaniyang anak at pinaputukan ang mga rumesponde pulis na gumanti rin ng pamamaril.

Nang tamaan si Jovero ay agad itong tumakbo kasama ang anak sa loob ng comfort room kung saan niya kinulong sina Salahudin at Destura. Dito nagpambuno ang suspek at si Salahudin. Nang makita umano ng anak ng suspek na natatalo ang ama, tumulong ito at inagaw ang baril pero natamaan siya.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon sa insidete. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.