Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pulis dedo sa kalasingan

0 273

Dahil sa sobrang kalasingan, todas ang isang pulis matapos matumba at mabagok ang ulo sa kanilang bahay sa Tuguegarao City noong Huwebes.

Kinilala ang biktima na si P/Sgt. Ronnie Ferdinand Paguirigan, 34, nakatalaga sa Regional Administrative, Records and Management Unit ng nasabing siyudad.

Ayon kay Tuguegarao City Police Station investigator P/Staff Sgt. Wilson Arao, lango sa alak ang biktima at nanggulo umano ito. Hindi pa ito nakontento at lumabas sa kanilang tahanan, kumuha ng paso ng halaman at ibinato sa dalawang kapitbahay.

Ayon sa TCPS, gumanti naman ang dalawa at tatlo pa nilang kasamahan hanggang sa matumba si Paguirigan at tumama ang semento. Dinala sa ospital ang pulis ngunit dineklarang dead on arrival sanhi ng internal hemorrhage. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.