Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pulis hinarang sa casino, nag-amok

0 101

Inaresto ng kanyang kabaro ang isang pulis-Maynila at kasama nitong sibilyan matapos magwala nang hindi papasukin sa Casino Filipino kahapon ng madaling araw sa Sta. Cruz, Maynila.

Itinurn-over sa Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (GAIS) ang suspek na si P/SSg Ryan Aguilar y Moral, 39, nakatalaga sa tanggapan ni MPD- Director Leo Francisco; at si Quincy Delos Santos, 39, binata, ng Tondo.

Ayon kay P/ SSg Norberto Pinlac Jr, ng Gandara Police Community Precinct sakop ng PS 11, ala-1:30 ng madaling araw nang tumawag ang isang security guard ng Casino Filipino at nagpasaklolo sa Gandara outpost upang awatin ang nagwawala umanong si Aguilar.

SM food to go Banner Ad

Sa imbestigasyon ng GAIS dumating ang dalawa na lasing at pilit umanong pumapasok sa nasabing casino. Ayaw umanong magpapigil ni Aguilar at ipinagmamalaki pa umanong tauhan siya ni Francisco.

Sanhi nito, binitbit ng mga guwardiya ang dalawa sa Gandara PCP at itinurn-over sa GAIS.

Sinampahan ng kasong paglabag sa Article 155 (alarm and scandal) physical Injury at paglabag sa RO 7489 (drunk Disorderly Conduct) si Aguilar at delos Santos. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.