Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pulis ikakalat sa mga voter registration center

0 42

Inatasan ni Philippine National Police chief Gen. Guillermo Eleazar ang lahat ng mga pulis sa bansa na tiyaking mapapatupad ang minimum health protocols sa mga magtutungo sa mga mall para sa voter registration.

Sa pahayag, sinabi ng hepe na ang chiefs-of-police at ibang mga police commander ay dapat tiyakin na ang voter registration ay hindi magiging COVID-19 superspreader event.

“Maaaring dagsain ang mga satellite voter registration sa mga mall, lalo na sa mga huling araw ng buwang ito, kaya dapat paghandaan ito dahil nasa gitna pa din tayo ng pandemya kung saan ibayong pag-iingat pa din ang kinakailangan.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang Commission on Elections ay nakipag-ugnayan sa ilang mall sa bansa para mas ma-accommodate ang mas maraming voter applicant sa 2022 botohan.

Deadline na ng voter registration sa Setyem­bre 30. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.