Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pulis itinumba ng tinalo sa bunong braso

0 361

Lumitaw sa imbestigasyon ng awtoridad na sadyang binaril ng isa sa dalawang kainumang pulis ang kabaro nito, na sinasabing nag-suicide, matapos matalo sa bunong braso sa Quezon City nitong Linggo.

Ayon kay QCPD director P/Brig. Gen. Antonio Yarra, umamin sa imbestigador ang sibilyan na kainuman ng biktimang si Police Corporal Higino Wayan, nakatalaga sa Kamuning Police Station, na si Lorenzo Lapay na si Police Corporal Sherwin Rebot ang bumaril sa pulis.

Base kay Lapay, nagkahamunan na magbunong braso sina Wayan at Rebot habang natutulog na si Police Corporal Harold Mendoza na isa pa sa kainuman ng biktima bago maganap ang insidente.

Lumalabas na tila ikinagalit ni Rebot ang pagkatalo niya sa bunong braso dahilan upang kunin ang kanyang baril at malapitang pinutukan sa dibdib si Wayan.

Bago ito, nagkayayaan ang apat na mag-inuman sa inuupahang bahay ni Lapay sa Bitoon Circle, Barangay Commonwealth.

Sa unang salaysay ni Rebot sa imbestigador, bandang alas-3:50 ng madaling araw (May 30) ay nag-CR umano siya at iniwan ang baril sa ibabaw ng mesa. Nakatuwaan umanong kunin ni Wayan ang baril, itinutok umano sa sariling dibdib at kinalabit ang gatilyo na naging sanhi ng kamatayan nito.

Pero kinalaunan ay tumuga rin si Lapay dahil sa paulit-ulit na pagtatanong sa kanya kung ano ang tunay na ikinamatay ni Wayan. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.