Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pulis kalaboso sa nakatakas na preso

0 154

Nakatakas o pinatakas?

Ito ngayon ang palaisipan at iniimbestigahan ng mga awtoridad nang misteryoso umanong matakasan ang kasamahan nilang pulis ng isang preso sa Quezon City, Sabado ng umaga.

SM food to go Banner Ad

Ayon kay PSMS Marvin Masangkay, ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, nakapiit na ngayon ang pulis na si PSSg Randy Alcantara, 38, binata, nakatalaga sa Drug Enforcement Unit ng Project 4 Police Station (PS-8), at taga-Block 32 Lot 22, Phase 1 Southville 3, Poblacion, Muntinlupa City.

Sa report, nagsagawa ng pagbibilang ng mga nakakulong ang duty guard ng PS-8 na si PLt Rhina B. Castillo, at nadiskubreng nawawala ang preso na si Kazumi Emil Ogura, na naaresto sa iligal na droga.

Nabatid kay PSMS Ronald Allan Santos, duty jailer, bandang alas-5: 23 ng hapon nitong Nobyembre 20, inilabas sa male detention facility si Ogura at itinurn-over kay PSSg Alcantara subalit habang nasa kostudiya nito ay misteryosong nakaeskapo ang preso. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.