Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pulis kinagat ng aso sa buy bust

0 72

Isang pulis ang nagpapaturok ngayon ng anti-rabies nang kagatin ng alagang aso ng hinabol at dinakip nilang drug pusher sa Barangay Poblacion, Pandi, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nadakip sa bayan ng Pandi na si Angelo Saguado, ng Barangay Poblacion.

Alas-10:00 ng gabi nang maglatag ng buy-bust operation ang mga tauhan ni P/Lt. Col. Jordan Santiago, Pandi police chief, sa Barangay Poblacion, Pandi at matapos magbenta si Saguado ng shabu sa undercover policeman at nakatakda nang arestuhin ay tumakbo ito kaya hinabol ng awtoridad ngunit hinabol ang hindi pinangalang pulis ng aso at makagat sa binti.

Nadakip naman ang suspek ngunit magpapabakuna ng anti-rabies ang pulis na nakagat ng asong alaga ng tulak na suspek. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.