Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pulis kinalawit sa buy-bust

0 56

Pinosasan ang isang aktibong pulis na nasa listahan ng mga high value target (HVT) drug personality matapos ang isinagawang buy-bust operation ng mga kabaro niya, Sabado ng hapon sa Cotabato City.

Hindi na nakapalag nang arestuhin at posasan ng pulisya ang suspek na nakilalang si Police Corporal Jomar Moyet Chio, nakatalaga sa Sultan Kudarat Municipal Police Station (MPS).

Ayon kay Brig. Gen. Eden Ugale, Police Regional director ng Bangsamoro Region in Muslim Mindanao, naaresto si Chio, dakong alas-4:15, kamakalawa ng hapon, sa buy-bust operation na ikinasa ng pinagsanib na puwersa ng Cotabato City Police Office, Sultan Kudarat MPS at Regional Highway Patrol Group-Bangsamoro Autonomous Region sa Brgy. Rosary Heights 7 sa Cotabato City.

Isang police poseur buyer ang umiskor ng shabu sa suspek at nang magkapalitan na ng pera at iligal na droga ay saka inihudyat ang pagdakip sa nasabing pulis.

Nakuha sa pag-iingat ng corporal ang ilang sachet ng pinaniniwalaang shabu at ang marked money na ginamit sa operasyon.

Sa ngayon ay nasa kustodiya ng Cotabato City PNP ang suspek habang inihahanda ang kasong kriminal at administratibo laban sa kanya na malamang na ikasibak niya sa serbisyo bilang pulis. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.