Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pulis kinidnap ng nakaputing van

0 158

Isang malalimang imbestigasyon ang isinasagawa ngayon ng Bulacan PNP nang dukutin ng armadong kalalakihan na kargado ng armalite at lulan ng puting van ang isang pulis sa Pandi Municipal Police Station (MPS) sa Sitio Padling, Barangay Matictic,Norzagaray, Bulacan noong Biyernes.

Inatasan ni P/BrigGen Valeriano T. De Leon, Regional Director ng Police Regional Office 3 si P/Col. Lawrence Cajipe, Bulacan police director, na magsagawa ng masusing pagsisiyasat matapos dukutin ng hindi nakilalang suspek si P/Cpl. Nikkol Jhon P. Santos, nakatalaga sa Pandi MPS na hindi pa natatagpuan matapos isakay sa Starex van ngunit iwanan ang kanyang dalawang kasama sa lugar na nakaposas.

Alas-7:00 ng umaga noong Biyernes nang maganap ang pagdukot habang bumabagtas sa Sitio Padling, Barangay Matictic, Norzagaray si P/Cpl. Santos kasama sina Sammy Bedunia at Rolando Beltran at lulan ng dalawang motorsiklo. Bigla na lang umanong humarang ang White Gold Starex van na walang plaka.

SM food to go Banner Ad

Bumaba ang mga suspek na armado ng mahahabang baril, dinala sa gilid ng daan, pinadapa at pinosasan habang nakatutok ang mga baril bago puwersahang ipinasok sa loob ng van si P/Cpl. Santos at tangayin ito.

Naiwan naman ang dalawang kasama ng pulis habang nakaposas din.

“We will exert all our effort and look into the botton of this,” ayon pa kay BrigGen De Leon. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.