Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pulis, lover na nireklamo todas sa presinto

0 186

Matapos umalingawngaw ang ilang putok ng baril, natagpuan namang patay ang isang pulis at umano’y kalaguyo nito mula sa presinto sa Talisay City, Cebu.

Ayon sa police report, nakita ang bangkay nina Police Lt. Praxilo Albiso at Vernice Cardino na may tama ng bala sa ulo sa presinto ng Brgy. Bulacao.

Posible umanong binaril ng tatlong ulit si Cardino, 31, bago nagpakamatay ang pulis na station commander ng Talisay City Police Station.

Dati nang naungkat ang ugnayan ng dalawa matapos silang ireklamo ng mister ni Cardino sa programa ni Raffy Tulfo dahil sa umano’y iligal nilang relasyon.

Dinala pa sa ospital ang dalawa ngunit dineklara din itong wala nang buhay. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.