Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pulis-Marikina walang sala sa reporter

0 131

Pinagtanggol ni Marikina City police chief Col. Restituto Arcangel ang kanyang mga tauhan matapos na kuwestiyunin si dzBB reporter Mark Makalalad dahil hindi umano nagpaalam ang mamamahayag bago mag-report sa Marcos Highway.

“I don’t think our troops did something inappropriate considering the circumstances. Hindi nila nakilala si Mark Makalalad dahil hindi siya nakauniform, walang ID, hindi nila napansin na may parked vehicle ng media, and then yung gamit ni Mark Makalalad as cellphone lang at hindi yung usual na camera typically used by the media,” ayon kay Arcangel.

Sa Facebook post ni Makalalad, kinuwento nito na nilapitan siya ng apat na pulis habang siya’y nagsasagawa ng traffic report sa nasabing highway.

Saad umano ng mga pulis, dapat ay nakipag-coordinate muna ang mamamahayag sa kanila bago ito kumuha ng mga footage, na hindi nagustuhan ni Makalalad.

Sinabi rin umano ng mga pulis na posibleng ‘kalaban’ umano ang journalist kaya ito nilapitan.

Paglilinaw naman ni Arcangel, dalawang pulis lang umano ang lumapit sa radio reporter, ang dalawa pa ay mula sa Marines.

“Humihingi na lang ako ng mahabang pang unawa sa lahat sa konting di pagkakainitindihan. Ang maganda naman ay nagkakapaliwanagan,” pakli ng Marikina police chief. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.