Abante Tonite Interactive

Pulis-Maynila na sabit sa kidnap dinakma

373

Inaresto habang naka-duty sa Manila Police District-Police Station 5 ng kanyang mga kabaro ang isang pulis-Maynila na may kasong kidnapping at serious illegal detention kahapon sa Maynila.

Hindi naman pumalag sa mga umarestong tauhan ng MPD-General Assignment and Investigation Section, IMEG si PSSG Alejandro Ruz at maayos itong sumama.

Si Ruz ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Antipolo RTC Judge Ma. Consejo Gengos-Ignalaga ng RTC B98 dahil sa kasong kidnapping and serious illegal detention na isinampa noong Hulyo 30, 2015.

Alas-9:30 nang umaga nang arestuhin si Ruz sa may Katigbak Pkwy, Station 5, (Ermita) MPD.

Nasa kustodiya na ng GAIS ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon. (Juliet de Loza-Cudia)