Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pulis Maynila na tinurukan ng Sinovac, dedo

0 549

Masusi ngayong iniimbestigahan ng Manila Police District (MPD) ang pagkamatay ng pulis na nabakunahan laban sa coronavirus kamakailan.

Ayon sa ulat, sinabi ni MPD Director Brig. Gen. Leo Francisco na inaalam ng kanilang Health Service kung ano ang dahilan ng pagkamatay ni S/Sgt. Senen De Los Santos Evangelista, 45-anyos.

Dinala umano si Evangelista sa Skyline Medical Center noong Abril 7 matapos dumanas ng lagnat, ubo at sipon.

Sabi ng medical staff, walang lagnat, ubo, sipon, pagtatae at pangangapos ng hininga si Evangelista nang bakunahan ng unang dose ng Sinovac vaccine noong Marso 31, 2021.

Idineklara siyang patay noong Abril 8.

Sa kabila nito, ani Francisco, magpapatuloy ang pagbabakuna ng MPD habang gumugulong ang imbestigasyon kaugnay sa pagkamatay ni Evangelista. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.