Abante Tonite Interactive

Pulis na bihag ng NPA sa Compostela pinalaya

By
23

Pinalaya na ng New People’s Army ang isang pulis na kanilang binihag sa loob ng mahigit na tatlong buwan sa Compostela Valley kamakalawa.

Ayon kay Chief Supt. Manuel Gaerlan, director ng Police Regional Office 11, bandang ala-1:30 ng hapon nang makita si SPO2 George Rupinta, matapos makalaya mula sa kanyang mga abductors sa Barangay Sangab, Maco, Compostela Valley.

Si Rupinta na nakatalaga sa Lupon Municipal Police Station, sa Davao Oriental ay dinukot ng mga rebelde noong June 9 sa Barangay Langka, Lupon, Davao Oriental.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng PRO 11 si Rupinta at nakatakdang isailalim sa medical exam at debriefing.