Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pulis na dedo sa COVID 100 na

0 148

Umakyat na sa 100 ang bilang ng mga pulis na namatay dahil sa COVID-19, ayon kay PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar.

Ito’y nang madagdag sa listahan ang isang pulis sa Ilocos Region.

Ayon umano sa report ng PHP Health Service, ang pinakahuling namatay ay ang 44-taong gulang na staff sergeant na nakatalaga sa Police Regional Office 1 at namatay kamakalawa.

SM food to go Banner Ad

Bagaman fully-vaccinated ng COVID-19 vaccine, ang pulis na namatay ay immunocompromised at nagda-dialysis dahil sa chronic kidney disease.

Sinabi naman ni PNP deputy chief for administration and ASCOTF commander Lt. Gen. Joselito Vera Cruz na ang ika-100 nasawi ay pang-16 sa buwan ng Agosto. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.