Abante Tonite Interactive

Pulis na galing sa outing, nilikida

443

Patay ang isang pulis matapos itong pagbabarilin sa bayan ng Marcos, Ilocos Norte, Biyernes Santo nang gabi.

Kinilala ng Marcos Police Station ang biktima na si P/Corp. Wilbert Rarogal Jr., nakatalaga sa Kalinga.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagbakasyon lamang sa kanilang bayan sa Brgy. Santiago, sa bayan ng Marcos ang biktima.

Naganap ang insidente alas-9:30 nang gabi habang nakasakay sa tricycle si Rarogal nang lapitan siya ng hindi pa nakikilalang suspek na lulan ng motorsiklo at bigla itong pinagbabaril gamit ang .9mm pistol.

Galing umano ang biktima sa isang swimming kasama ang mga kamag-anak.

Madilim umano ang daan kaya hindi nakilala ang suspek na mabilis na tumakas gamit ang isang motorsiklo.

Nakarekober ang mga imbestigador ng ilang slug ng .9mm pistol mula sa pinangyarihan ng insidente. (Allan Bergonia)