Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pulis na ginupo ng COVID akyat sa 70

0 8

Umakyat na sa 70 ang bilang ng mga namatay sa hanay ng Philippine National Police (PNP) dahil sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

SM food to go Banner Ad

Ayon kay PNP chief P/Gen. Guillermo Eleazar, ito ay matapos may isang nadagdag kahapon: Isang 34-anyos na police corporal na nakatalaga sa PNP-SAF sa Surigao del Sur na pumanaw noong Lunes ng umaga. Ang dahilan ng pagkamatay ay ang cardiopulmonary arrest mula sa COVID-19.

Samantala, hanggang kahapon, sumipa na sa 25,190 ang kaso ng coronavirus sa pulisya, kabilang ang 23,364 gumaling. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.