Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pulis na mahuhuli sa nakaw na sasakyan malalagot

0 59

Muling nagbabala si National Capital Region Police (NCRPO) chief Maj. Gen. Debold Sinas sa kanyang mga pulis na wag gagamit ng mga nakuhang mga nakaw o mga narekober na mga sasakyan bilang personal nilang gamit.

“Stop it now or face appropriate charges,” pahayag ni Sinas matapos nitong sibakin ang isang pulis na nakatalaga sa Quezon City Police District (QCPD) dahil sa pagmamaneho ng umano’y `hot car’.

Agad na ipinag-utos ni Sinas ang pagsibak kay Police Master Sgt Danilo Pacurib, 47, nakatalaga sa Police Station 13, ng QCPD na nahuli habang gamit ang isang nakaw na sasakyan papasok sa trabaho.

Sinampahan si Pacurib ng kasong paglabas sa Republic Act 10833 o Anti Carnapping Law at Anti Fencing Law. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.