Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pulis na malupit sa curfew pasaway, parusahan – Zarate

0 177

Hindi kuntento ang isang mambabatas na sibakin lang sa posisyon ang mga pulis na sangkot sa pagpapahirap sa mga lumalabag sa curfew.

Ayon kay House Deputy Minority Leader at Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate, malinaw na paglabag sa batas ang ginagawa ng ilang pulis na pinahihirapan ang mga nahuhuli nilang lumabag sa curfew. “Pagsibak is not enough,” ani Zarate matapos ihayag Philippine National Police (PNP) ang pagsibak kay Lt. Col. Marlo Solero bilang hepe ng Gen. Trias Police.

Kasunod ito ng pagkamatay ng isang lalaking pinag-pumping exercise umano ng mahigit 300 ulit ng mga pulis matapos arestuhin dahil sa paglabag sa curfew.

Nauna ng itinanggi ni Solero na pinahirapan ng mga pulis ang mga lumalabag sa curfew sa kanilang nasasakupan.

“Cruel & degrading punishments are clearly against our laws. This should be understood by law enforcement agents: bawal ang parusang push-up at kung ano pang pananakit. Dapat itigil na ito at panagutin ang mga dapat managot,” dagdag pa ni Zarate.

Nabatid na hinuli umano ng mga awtoridad ang nasawing si Darren Peñaredondo matapos na lumabas ng bahay para bumili sana ng tubig. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.