Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pulis na `trigger happy’ sibak

0 116

Binabala ni Quezon City Police District (QCPD) Director Police Brigadier General Danilo Macerin na hindi siya magdadalawang isip na sibakin sa pwesto ang sinumang pulis na magpapaputok ng barill o ‘trigger-happy’ sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Ayon kay Gen. Macerin, agad niyang didis-armahan at sisipain sa serbisyo ang sinuman sa kanyang tauhan na gagamitin ang armas para magpaputok sa paghihiwalay ng taon.

Ang aksyon ng QCPD director ay base sa direktiba ni PNP Chief Police Director General Debold Sinas na walang magaganap na pagseselyo sa mga service firearms ng mga pulis ngayong holiday season.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pinaalalahan ni Gen. Macerin ang kanyang mga kapulisan na sa halip na mapaputok ng baril ay tuparin nila ang kanilang serbisyo at maging ehemplo sa publiko.

Samantala, tuluyan na ring kinansela ni QCPD chief ang lahat ng vacation leave application ng kanyang mga pulis ngayong holiday season.

Ito ay dahil mas nagdagdag sila ng mga pulis sa mga pampublikong lugar na magpapatupad ng health protocols.

Leave A Reply

Your email address will not be published.