Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pulis nabaril sa LQ ng mag-asawa

0 284

Nabaril sa kamay ang isang pulis nang aksidenteng pumutok ang baril na hawak ng isang babaeng miyembro ng Bureau of Fire Protection (BFP) na nakipagtalo sa kanyang mister sa Barangay Sta. Rita Matanda, San Miguel, Bulacan, Lunes ng gabi.

Kinilala ni P/Col. Lawrence B. Cajipe, Provincial Director ng Bulacan PNP, ang sugatang pulis na si Patrolman John Erick Dela Pena, ng San Miguel Police Station.

Alas-6:00 ng gabi nitong Lunes, rumesponde ang biktima sa pag-aaway ni Melody Cruz, miyembro ng BFP (OJT) San Miguel at asawa nitong si Leo Angelo Cruz, na nagtatalo sa loob ng kanilang sasakyan at itinututok ni Cruz ang baril sa kanyang sarili.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pinakalma ng pulis ang away ng mag-asawa at makumbinsing bumaba ng sasakyan.

Doon na nagdesisyon si Dela Pena na hablutin si Cruz at agawin ang baril ngunit aksidente itong pumutok at tamaan ang kanyang palasingsingan.

Patuloy pa din ang imbestigasyon at bineberipika kung lisensiyado ang baril ni Cruz. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.