Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pulis nadale sa sariling baril

0 292

Sugatan ang isang bagitong pulis makaraang tamaan ng sariling bala sa Barangay West Crame, San Juan City, kamakalawa.

Ayon kay San Juan Police Chief Col. Jaime Santos, accidental firing ang sinapit ni Pat. Mark Caranto, 24-anyos, naka-assign sa Highway Patrol Group.

Naganap ang insidente alas-11:00 Lunes ng gabi sa loob ng kanilang bahay ng pulis sa nasabing barangay. Ayon sa report, kadadating lang ni Caranto mula sa trabaho at nagbibihis na nang ihagis niya sa kama ang kanyang service firearm na cal .45 na kargado ng bala, dito pumutok ang baril at tinamaan ang pulis sa kanyang sikmura.

Agad na itinakbo sa San Juan medical Center ang pulis ng mga rumespondeng barangay tanod at isinailalim sa operasyon. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.