Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pulis nag-amok sa casino, sinibak

0 84

Tinanggal na sa kanyang posisyon, dinisarmahan at kinumpiska na ang ID at badge ng pulis-Maynila na nagwala kamakalawa sa Casino Filipino sa may Sta. Cruz, Maynila.

Ito ang kinumpirma ni Manila Police District Director PBGen Leo Francisco kung saan nasa kustodiya na ng DHAS si PSSg Ryan Aguilar na kinasuhan na rin ng administratibo.

“Na relieved na sya at assigned na ng DHAS, kumpiskado baril, ID at badge at na pre charged na sya ng D7,” ayon kay Francisco.

SM food to go Banner Ad

Una nang itinurn-over si Aguilar sa Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS).

Si Aguilar at Quincy Delos Santos, 39, binata, ng Tondo ay kapwa inaresto sa Casino matapos pumasok ng lasing at magwala.

Tiniyak naman ni Francisco na hindi niya kukunsintihin ang sinumang pulis-Maynila na pasaway. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.