Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pulis nag-suicide sa simbahan

0 60

Nabulabog ang simbahan sa Barangay Poblacion, Sugpon, Ilocos Sur nang magbaril sa ulo ang isang pulis, Miyerkoles ng madaling-araw.

Sa ulat, nakalataga umano sa Sugpon Police ang sarhento. Ayon pa sa pulisya, naganap ang pagpapakamatay ng pulis alas-3:15 ng madaling-araw. Pumunta umano ito sa Saint Anthony Parish Church at sa tapat ng pintuan ay bumunot ng service handgun, itinutok sa kanyang ulo sabay kalabit sa gatilyo.

Dinala pa ito sa Taguidin District Hospital pero namatay habang ginagamot.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon para matukoy ang dahilan ng pagpapakamatay ng pulis. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.