Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pulis nalasog sa 10-wheeler

0 97

Patay ang isang pulis nang magulungan ng 10-wheeler truck matapos tumilapon sa sinasakyang motorsiklo kamakalawa sa bayan ng Ipil, Zamboanga Sibugay.

Dead on the spot si Police Corporal Dios Rean Tinay Lozano, 29, nakatalaga sa Zamboanga Sibugay, 2nd provincial Mobile Force Company.

Nakakulong naman ang suspek na si Dino Nemaria Canalija, 26, binata, drayber ng 10 wheeler Isuzu truck.

Sa inisyal na ulat ng Police Regional Office (PRO) 9, naganap ang sakuna alas-8:50 ng umaga sa National Road, Barangay Pangi, Ipil, Zamboanga Sibugay.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Parehong direksyon ang tinatahak ng trak at motorsiklo patungong Poblacion proper.

Subalit aksidenteng mabangga ng motorsiklo ng pulis ang nasa unahan niyang motorsiklo dahilan upang mawala ito sa balanse at tumilapon sa kalsada na hindi naman napansin ng nasa hulihang trak dahilan upang magulungan ang katawan ng biktima na agad nitong ikinamatay.

Kusang loob namang sumuko ang drayber ng trak na ngayon ay nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.