Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pulis namaril ng 16-anyos tukoy na

0 70

Inihayag ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Eleazar na natukoy na nila ang mga pulis na nakabaril sa 16-anyos na si Jhondie Helis at Antonio Dalit na napatay sa naganap na anti-illegal drugs operation sa Biñan, Laguna noong Hunyo 16.

Base sa fact-finding investigation task group at sa ballistic examination at cross matching sa narekober na mga slug sa katawan ng mga biktima, ang mga bala ay nagmula sa mga pulis.

“The RCLO4A reported that the slugs specimen taken from the cadaver of Jhondie Maglinte Helis matched with a cal. 45 gun submitted by one of the operatives with a rank of police senior master sergeant,” saad ni Eleazar.

“A .45 pistol owned by a Police Commissioned Officer also matched a bullet recovered from Dalit’s body based on the same report of the RCLO4A,” dagdag niya.

Subalit, ani Eleazar, kahit nakilala na ang mga pulis na nakabaril sa mga ito, hindi pa klaro kung nagkaroon ba ng palitan ng putok o hindi at kung talaga bang nakaposas si Helis nang barilin ng pulis. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.