Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pulis namaril ng trabahador sa sabungan

0 309

Masusing iniimbestigasyon ng pamunuan ng Pampanga Provincial Police Office ang kaso ng isang pulis na nakabaril at nakapatay sa isang construction worker noong Sabado ng gabi sa harap ng isang sabungan sa Sta. Rita, Pampanga.

Kinilala ni Pampanga police director Col. Arnold Thomas Ibay ang pulis na nakapatay na si Corporal Eframe Ramirez. Ang napatay na construction worker ay si Federico Pineda.

Ayon kay Ibay, agad dinisarmahan si Ramirez bago inilagay sa restrictive custody sa loob ng kampo ng Pampanga police command habang masusing iniimbestigahan ang kaso.

Sa ulat, napagkamalan umano ni Ramirez si Pineda na suspek sa nakawan na naganap sa Sunny Side Subdivision sa Barangay San Matias, Sta. Rita. Binaril umano ng pulis ang biktima habang tinutugis.

Lulan ng isang motorsiklo mula sabungan, nakarating ang biktima sa barangay health center.

Sa kabila ng tinamong bala nagawa pang makarating sa bahay ng isang kamag-anak si Pineda bago malagutan ng hininga. (Rudy Abular)

Leave A Reply

Your email address will not be published.