Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pulis namaril sa selos, kolehiyala tigok

0 232

Dedbol ang babaeng graduating col­lege student habang sugatan naman ang dalawang kasamahan niya matapos na pagbabarilin sila ng isang pulis na pu­masok sa loob ng kuwarto ng inuupa­hang dormitory, kahapon ng madaling-araw sa Koronadal City.

Dead on the spot sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa katawan ang isa sa mga biktima na nakilalang si Charmaine Rose Canlas, 22-anyos, graduating stu­dent ng Notre Dame of Marbel Univer­sity, habang patuloy namang ginagamot ang dalawang kasamahan niyang sina Joana Saptula at Debie John Franco, umano’y magkasintahan, at parehong estudyante at 21-anyos.

Samantala, isang hot pursuit operation ang isinasagawa ng pulisya sa agarang pagdakip sa suspek na si Pa­trolman Roland Roquero, 29, binata, nakatalaga sa South Cotabato Police Mobile Force Company.

SM food to go Banner Ad

Sa ulat na ipinadala ni Police Lt. Col. Maria Joyce Birrey ng PRO 12, naganap ang pamamaril dakong alas-2:50 ng madaling-araw nang pasukin ng suspek ang kuwarto na nasa ikalawang palapag ng boarding house na tinutuluyan ng mga biktima sa Gatuslao St., Brgy. Zone 3, Koronadal.

Armado ng M16 armalite rifle ay pinagbabaril ng suspek na pulis ang mga estudyante na agarang ikinasawi ni Canlas habang sina Saptula at Franco naman ay patuloy na inoobserbahan sa South Cotabato Provincial Hospital da­hil din sa mga tama ng bala.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Koronadal PNP, crime of passion o selos umano ang pinag-ugatan ng krimen da­hil dati umanong girlfriend ng pulis si Saptula na ngayon ay kasintahan na ni Franco. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.