Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pulis, Navy dedo sa carnap shootout

0 474

Kapwa nasawi ang isang miyembro ng Highway Patrol Group at isang nagpakilalang miyembro ng Philippine Navy (PN) sa isang anti carnapping operation sa Cavite City.

Dead on arrival sa ospital si Police Chief Master Sergeant Julius Arcalas dahil sa tinamong sugat sa katawan habang inaalam pa ang pagkakakilanlan sa nagpakilalang miyembro ng PN. Isang sibilyan din ang tinamaan dahil sa palitan ng putok na nakilalang si Eduardo Magbana.

Sa ulat, dakong ala-una kahapon nang nagsagawa ng operasyon ang Cavite Provincial Highway Patrol Team sa pamumuno ni PCpt. Eduado Joy Guadamor, PSSgt. Emerson Domingo at ni Arcalas sa kahabaan ng Marina-Cavite Road sa Brgy., 8 Pulo 3, kung saan napuna ang isang gray na Nissan Terra na walang plaka.

SM food to go Banner Ad

Hinanapan ng dokumento ang nasabing sasakyan, pero nagpakilala ang sakay nito na mga miyembro diumano ng Navy. Ayon kay Domingo, napansin nito ang isang PN uniform na nakasabit sa loob ng kanilang sasakyan dahilan upang itaas ng isa sa suspek ang bintana nito habang ang isa pang suspek na armado ng kalibre 5.56 bushmaster ay bumaba ng sasakyan at pinaputukan ang mga operatiba ng HPG.

Gumanti ang panig ng HPG, pero napuruhan si Arcalas habang tinamaan at bumulagta din ang isa sa suspek, at sibilyan na tinamaan ng ligaw na bala.

Agad umanong sumibat ang driver ng kotse sa direksyon ng Noveleta hanggang makatakas. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.