Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pulis nirapido ng naka-SUV

0 370

Patay ang isang miyembro ng Southern Police District (SPD) matapos itong tambangan at paulanan ng bala ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki na lulan ng isang Sports Utility Vehicle (SUV) sa Las Pinas City kahapon ng umaga.

Dead on arrival sa Olivares Hospital sanhi ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si SSGT Julius Pabre, 38, nakatalaga sa District Personnel Holding and Accounting Unit ng SPD.

Sa report ng Las Pinas City Police, galing sa duty ang biktima at bumibili ng patuka sa kanyang manok sa isang tindahan sa kanto ng Villareal at Padre Diego Cerra st. sa Bgy, Manuyo Uno, Las Pinas City nang mangyari ang krimen alas 7:30 ng umaga.

Ayon umano sa ilang saksi, tumigil sa tapat ni Pabre ang SUV na walang plaka at saka ito niratrat ng dalawang suspek.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya para matukoy ang mga suspek at motibo sa pagpaslang. (Mia Billones/Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.