Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pulis nirapido sa harap ng bahay

0 122

NAGSASAGAWA ngayon ng imbestigasyon ang Cavite police sa pagkakakilanlan ng apat na armadong kalalakihan at sa nagmamay-ari ng gray na Honda City na kanilang ginamit matapos ang pamamaril at pagpatay sa isang pulis Quezon, Lunes ng hapon sa Dasmarinas City, Cavite.

Dead on the spot si PSSgt Roseman Batao, 36, may-asawa, nakatalaga sa Tiaong MPS at taga-Gumamela St., Block 39, Lot 3 Brgy Datu Esmael, Dasmarinas City, Cavite dahil sa tama ng baril sa katawan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa ulat ni PSSgt Richard Domingo, ng Dasmarinas City Police Station, alas-2:20 kamakalawa ng hapon nang naganap ang insidente. Inaayos ng biktima ang kanyangToyota Hi-Ace van sa harapan ng kanilang bahay nang lapitan siya ng apat na armadong mga suspek na bumaba sa kotse at nirapido ang biktima na ikinasawi nito.

Nabatid na ang biktima ay dating nakatalaga sa Intelligence Division ng Maragondon (Cavite) Municipal Police Station. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.