Abante Tonite Interactive

Pulis niratrat sa presinto

485

Pinagbabaril ang isang pulis ng hindi pa nakilalang ‘gunman’ sa may istayon ng pulisya na kanyang pinagtatrabahuhan sa Quezon City nitong Sabado nang gabi.

Sa inisyal na report, ang biktimang si P/MSgt. Anthony Lacson, nakatalaga sa Anonas Police Station 9 ay binaril sa Anonas Road corner Pajao St., Brgy. Quirino 2A ng nasabing lungsod, dakong alas-6:01 kagabi.

Ayon kay Anonas Police Station 9 commander­ P/Lt. Col. Cipriano Galanida, matapos ang pamamaril ay agad namang isinugod sa Labor Hospital ang kanyang tauhan subalit binawian din ito ng buhay.

Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng mga awtoridad kung ano ang motibo at kung sino ang may kagagawan sa nasabing insidente. (Dolly Cabreza)