Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pulis niyari sa barangay hall

0 279

Itinumba sa loob ng barangay hall ang isang pulis habang naka-duty noong Huwebes ng gabi sa Barangay Luyos, San Antonio, Nueva Ecija.

Sa ulat ni Police Major Ador Depnag, nakilala ang biktima na si Police Master Sergeant Bert Vicente Reyes, residente ng Barangay Maugat, San Antonio, na nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo.

Alas-10:20 ng gabi nasa loob ng barangay hall ang biktima nang biglang pumasok ang salarin at pinutukan ang pulis. Nagawa pang tangayin ng suspek ang baril ng pulis bago ito tumakas.

Naisugod pa si Reyes sa San Antonio District Hospital sa Barangay San Mariano subalit dineklarang dead on arrival. (Jojo de Guzman)

Leave A Reply

Your email address will not be published.