Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pulis pabading na tumili, kakasuhan

0 94

Isang pulis ang nahaharap ngayon sa imbestigasyon at kaso dahil sa TikTok video nito kung saan nilantad niya ang kanyang kasarian sa Lanao del Sur.

Ang nasabing pulis ay kinilalang si Pat Algabid Said Marohomsalic.

Si Marohomsalic ay kilala bilang si @sgt.ghamidi sa TikTok at may daan libong follower. Sa ngayon, hindi na mahagilap sa naturang app ang kanyang account dahil tila nag-deactivate ito.

Sa isa niyang viral content, nagsasalita lang ang pulis sa video ng “Eto marami na nagtatanong sa ‘kin kung bakla ba talaga ako eh.”

Maya-maya lang, may sound effect ng isang bagay na nabasag at napatili si Marohomsalic, sabay sabi ng “Ay! Shuta ka!” sa tonong bading.

Dahil sa video ay inatasan ni PMGen Omega Jireh Fidel ng Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) ang Regional Director ng Bangsamoro Poilce na imbestigahan si Marohomsalic at kasuhan kung kinakailangan. (MJD)

Leave A Reply

Your email address will not be published.