Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pulis promotor ng sugalan sinibak

0 148

Tinanggal sa serbisyo ang isang pulis sa Negros Occidental matapos mahuling kasama sa isang iligal na pasugalan noong Hulyo 25.

Kinilala ang pulis na si Master Sergeant Bebzie Nicor, na nakadestino sa Negros Occidental Police Provincial Office (NOCPPO) headquarters.

Si Nicor ay nahuling kasama ang lima pang katao na nag-oorganisa ng isang pasugalan sa Barangay Quiwi sa bayan ng Hinigaran.

SM food to go Banner Ad

“I do not tolerate (this), so effective immediately while being investigated, I relieved her from my office for the conduct of an impartial investigation,” pahayag ni Colonel Romy Palgue, director ng provincial police.

Kakasuhan umano si Nicor ng paglabag sa Presidential Decree 1602 na nagsasaad ng mas mahigpit na parusa para sa iligal na pagsusugal.

“We have a standard and there is guidance from the PNP (Philippine National Police) chief. In fact, our President (Rodrigo Duterte) has a pronouncement on the involvement of police officers in gambling activities,” dagdag pa ni Palgue. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.