Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pulis-QC na napatay sa engkwentro vs PDEA, pinarangalan

0 97

Pinagkalooban ng medalya ng ‘Kadakilaan’ ng Quezon City Police District (QCPD) ang isa sa mga pulis na napatay sa naganap na engkwentro laban sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Commonwealth Avenue sa lungsod nitong Miyerkules.

Personal na iniabot ni QCPD Director BGen. Danilo Macerin ang Medalya ng Kadakilaan sa kapatid ng pumanaw na si Police Cpl. Elvin Garado, nakatalaga sa District Operation Unit bilang pagkilala sa sakripisyo na nagbuwis ng buhay sa pagtupad ng tungkulin.

Si Garado, 36, ay tumanggap na rin ng maraming pagkilala tulad ng PNP Commendation Medal, Efficiency Medal, Heroism Medal, Police Relations Medal at PNP Service Medal.

Nakakamit din ng ibat-ibang parangal ang isa pang pulis na napatay na si PCorp Lauro de Guzman, Jr., 32, gaya ng PNP Commendation Medal, Efficiency Medal, Police Relations Medal, Heroism Medal, Medal of Merit at Service Medal.

Umaapela naman ang lokal na pamahalaan ng Quezon City sa mga may-ari ng mga negosyo sa paligid ng Ever Gotesco Mall sa Commonwealth na makipagtulungan sa mga awtoridad saimbestigasyon. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.