Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pulis sa Sulu `rubout,’ COVID positive

0 275

Kinumpirma kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Archie Francisco Gamboa na nagpositibo sa COVID-19 rapid test ang isa sa siyam na pulis na sangkot sa shooting incident sa Jolo, Sulu na ikinamatay ng apat na sundalo.

Ayon kay Gamboa, nitong Biyernes ihaharap sana kay Pangulong Rodrigo Duterte ang siyam na pulis para personal na matanong ng pangulo sa nangyari sa shooting incident pero hindi natuloy matapos na magpositibo sa rapid test ang isa sa kanila.

Isasalang naman ito sa confirmatory test o RT PCR test at kapag nagnegatibo ay saka ibabyahe patungo sa Camp Crame.

Inaasahan naman na ngayong linggo ay makakarating sa Camp Crame ang siyam kasama si PNP Bangsamor Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Regional Director Police Brig Gen Manuel Abu. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.