Abante Tonite Interactive

Pulis, sibilyan patay; 9 sugatan sa Samar ambush

200

Inambus ng hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang isang pulis na ikinasawi nito at nadamay ang 1 pang sibilyan habang siyam na iba pa ang sugatan matapos tambangan sa Borongan City, Eastern Samar, Biyernes ng hapon.

Sa report, tinambangan ng mga mi­yembro ng NPA ang isang police mobile ng Eastern Samar Public Safety Force sa kalsada ng Brgy. Libuton kung saan may sakay na dalawang pulis at ilan pang sibil­yan na ikinasawi ng dalawa sa mga ito.

Ayon kay Police Lt. Col. Bella Rentua­ya, tagapagsalita ng Police Regional Office 8, ilang testigo ang nakarinig ng malakas na pagsabog sa pinangyarihan ng krimen.

Nagsasagawa ngayon ng masusing imbestigasyon ang pulisya para matukoy ang motibo sa krimen. (Vick Aquino)