Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pulis sinuhulan ng P100K, babae kinalaboso

0 504

Hindi na nakalabas ng presinto ang isang corporate secretary matapos itong ikulong dahil sa panunuhol sa mga pulis ng P100,000 kapalit ng kalayaan ng dalawa niyang kaibigang Intsik na inaresto dahil sa kasong illegal detention sa Makati City.

Sa ulat, dumating sa Makati City Police substation 7 si Gemma Alquizalas, 25, taga-Unit 601 My Town istanbul, Barrio Visaya st., Bgy. Guadalupe Nuevo, Makati City bandang alas- 4:45 ng hapon noong Huwebes para tanungin umano ang mga pulis kung paano makakalaya ang mga kaibigang sina Yang, Hong, 38 anyos at Hu, Shuangling, 33, kapwa taga-Block 18, Lot 3, My Town Milan, Kalayaan Ave., Bgy Pitogo, Makati City.

Inaresto ang dalawang suspek dahil sa iligal na pagkulong sa kababayan nilang si Tang Fei, 27 anyos at nakatira sa My Town Istanbul, Barrio Visaya St., Brgy Guadalupe Nuevo, Makati City simula noong Hunyo 29, 2020.

Matapos maaresto ang dalawang Intsik, lumutang si Alquizalas sa presinto para tulungan umano ang mga kaibigan. Naglabas umano ito ng P100,000 na bundle bilang suhol sa mga pulis.

Dahil dito, inaresto at kinulong din siya kasama sa selda ng dalawang Intsik. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.