Abante Tonite Interactive

Pulis, sundalo partner ng mga health worker

0 332

Dear Abante Tonite:

Samu’t saring reaksyon ang makikita sa social media tungkol sa pandemic na coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Maraming netizen ang naglalabas ng hinaing lalo na ang mga galit sa gobyerno. Bakit daw may militar sa mga checkpoint, solusyong medikal at hindi militar ang kailangan ng mamamayan.

Sana maintindihan at pumasok sa isip ng mga tao kung ano ang tunay na trabaho ng mga pulis at sundalo sa panahon na ito. Hindi naman siguro kakayanin ng mga health worker na sila pa ang magbantay sa mga checkpoint area.

Saan ba talaga natatagpuan ang mga health worker? Hindi ba’t sa ospital at mga klinika hindi sa kalsada? Hindi militarisasyon ang nagaganap kungdi pagbabantay lang sa mga lugar na iniiwasan na ang pagdami pa ng bilang ng mga infected ng COVID-19.

Kareen Asistio