Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pulis, sundalo sanib-puwersa vs mag-asawang Tiamzon

0 137

Nakikipag-ugnayan na ang Philippine National Police (PNP) sa Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa pag-aresto sa mag-asawang Tiamzon.

Ayon kay PNP Chief Police General Debold Sinas, natanggap na nila ang direktiba mula sa Department of Interior and Local Government na gumawa ng aksyon at makipagtulungan sa kanilang counterparts.

“Actually we received already the directive of SILG to initiate police actions and coordinate with our counterparts for the tracking of the Tiamzon couple and we will be securing the conviction,” pahayag ni Sinas sa press briefing kahapon ng umaga sa Camp Crame.

Paliwanag pa ni Sinas na inatasan na niya ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Intelligence Group (IG) ang kikilos para sa pag-aresto kay Benito at Wilma Tiamzon. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.