Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pulis tepok sa motorsiklo

0 198

Patay ang isang pulis habang sugatan ang angkas nito sa naganap na aksidente sa motorsiklo sa pakurbang kalsada kamakalawa sa Balete, Aklan.

Kinilala ang pulis na namatay habang ginagamot sa ospital na si Patrolman Genesis Jayil, 25. Sugatan naman ang kasamahan nitong si Pat Michael Handoy, 25, kapwa nakatalaga sa Police Community Precint 2 ng Balabag Police Station.

Sa ulat ng Balete Municipal Police Station (MPS), ika-7:00 ng umaga habang binabagtas ng mga biktima ang Barangay Fulgencio lulan ng motosiklo na minamaneho ni Jayil nang pagsapit sa pakurbang bahagi ay mawalan umano ng control sa manibela si Jayil dahilan upang sumemplang ang mga ito na ikinasawi ni Jayil at ikinasugat ni Handoy. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.