Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pulis tigok, tatay kritikal sa bata ni mayor

0 210

DAHIL lamang sa simpleng away at sumbong, tinutugis ngayon ng Cavite police ang bodyguard ni Rosario Mayor Voltaire Ricafrente at pamangkin nito nang pagbabarilin ang isang pulis at ama sa harap ng kanilang bahay sa Rosario, Cavite.

Isinugod pa sa St. Martin Hospital ang mag-amang Pat Jerome Carlo Pamaran, 31, may-asawa , nakatagala sa Bacoor CPS at Jose Edgardo Pamaran 54, kapwa residente ng Ligtong 2, Rosario, Cavite subalit namatay habang ginagamot si Jerome dahil sa tama ng bala sa ulo habang kritikal ang ama nito.

Pinaghahanap naman ang magtiyuhing sina Antonio Perea alias “Tonifer” nasa wastong edad at naka-JO bilang isa sa bodyguard ni Mayor Ricafrente at pamangkin nitong si Earl John Perea alias “ Kokoy” kapwa ng Brgy Ligtong 1, Roario, Cavite.

Sa ulat ni Corporal Ahvegail Darang, ng Rosario Municipal Police Station, ika-8:20 Biyernes ng gabi nang naganap ang insidente sa harap ng bahay ng mag-ama kung saan binaril ni Tonifer ang mag-ama.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Tinangka umano ni Pat. Jerome na gumanti pero binaril siya sa ulo ni Tonifer at niratrat din ang kanyang tatay.

Kinuha pa umano ni Tonifer ang baril ng pulis saka tumakas kasama ang pamangking si Kokoy.

Bago ang krimen, nagkaroon umano ng away sa pagitan ni Kokoy at isang Calvin Herrera at inawat umano sila ni Pat. Jerome na nagpakilalang pulis subalit sinigawan siya ng una at sinabihang isusumbong nito sa kanyang tiyuhin (Tonifer).

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang kampo ng suspek ukol sa insidente. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.