Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pulis tinodas GF saka binaril sarili

0 255

Nagtalo ang magkarelasyong call center recruiter at boyfriend nitong pulis sa loob ng sasakyan kaya binaril ng huli ang nauna bago ito nag-suicide sa MacArthur Highway, Barangay Caniogan, Malolos City, Bulacan kahapon ng madaling-araw.

Sa paunang report ng pulisya, nakilala ang mga biktimang sina P/Cpl. Clinton Paterno, 28, tubong Mountain Province at nakatalaga sa Barangay Bangkal, Malolos City at Maria Isabel Ganelo, 27, nakatira sa Barangay Borol 2nd, Balagtas.

Si Ganelo ay idineklarang dead on arrival sa pagamutan bunga ng tama ng bala sa ulo habang si Paterno ay nagawa pang mailipat sa ospital sa San Fernando City, Pampanga ngunit nasawi rin kalaunan.

Base sa imbestigasyon, alas-3:00 ng madaling-araw nang magtalo sa loob ng sasakyang Ford Ranger XLT ang magkarelasyon. Pagewang-gewang ang takbo ng kotse nila sa nasabing highway at nang huminto sa gilid ng kalsada ay naitapon pa ng babae ang susi ng sasakyan. Lalong uminit ang pagtatalo kaya ang rumespondeng Bantay-Bayan member ay humingi na ng tulong sa pulisya.

Lumilitaw na dalawang beses binaril sa ulo ng pulis ang karelasyong si Ganelo bago ito nagbaril sa sentido.

Hindi inaalis ang posibilidad na selos ang dahilan ng insidente. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.