Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pulis tinodas ng kabaro sa headquarters

0 436

Patay ang isang pulis matapos itong barilin ng kapwa niya pulis sa loob ng istasyon sa bayan ng Titay, Zamboanga Sibugay, Sabado ng gabi.

Dineklarang dead on arrival sa Zamboanga City Hospital dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang nakilalang si P/Cpl. Jorge Dick Baltazar, 30.

Kusang loob namang sumuko ang suspek na si Patrolman Laurence Joseph Ancheta, 38, at service firearm nitong 9 mm na baril na ginamit na pamamaril.

Your email address will not be published.