Abante Tonite Interactive

Pulis tinodas ng kasosyo sa 5-6

0 327

Patay ang isang pulis matapos barilin sa ulo ng kanyang kasosyo sa negosyo Miyerkoles nang gabi sa loob ng bahay nito sa Los Baños, Laguna.

Dead-on-arrival sa pinagsugurang Los Baños Doctors Hospital ang biktimang si P/SMSgt. Dominic Doctor Obligado, 43, nakadestino sa Lucena City Police Office at taga-College Ville Subd., Brgy. Tuntungin-Putho sa nabatid na bayan.

Isang manhunt operation naman ang isinasagawa ng pulisya para sa agarang pagdakip sa suspek na si Ruel Nabatilan alyas Burmoc, kasosyo ng biktima sa negosyong 5-6.

Abante Hiring – IT dep

Ayon kay P/Col. Eleazar Matta, Provincial Director ng Laguna Police Office, naganap ang insidente alas-10:15 nang gabi habang nag-iinuman ang biktima at ilang kaibigan sa loob ng bahay ni Obligado.

Sa gitna ng inuman ay dumating si Nabatilan at bigla na lang binaril sa ulo ang pulis.

Nang duguang humandusay sa sahig ang biktima ay mabilis namang tumakas ang suspek bitbit ang ginamit nitong baril.

Sa ngayon ay ipinag-utos ni Matta ang malalimang imbestigasyon upang mabatid kung ano ang motibo ng suspek sa nasabing pamamaslang. (Edwin Balasa/Ronilo Dagos)