Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pulis tinodas ng tandem

0 65

Patay ang isang pulis matapos itong pagbabarilin ng riding in tandem habang nagpapahangin sa labas ng kanyang bahay sa Rodriguez, Rizal.

Dead on the spot dahil sa mga tinamong mga tama ng bala sa ulo at katawan si P/SSgt. Renato Garcia, 46, nakatalaga sa Criminal Investigation and Detection Group sa Camp Crame at residente ng Brgy. Burgos ng nasabing bayan.

Naganap ang insidente alas-8:45 Lunes ng gabi. Habang nasal abas ng kanyang bahay, nilapitan umano si Garcia ng dalawang hindi pa kilalang suspek lulan ng motorsiklo at pinagbabaril habang dalawa pang suspek na lulan din ng motorsiklo ang nagsilbing lookout.

Matapos ang krimen ay mabilis na tumakas ang mga suspek subalit ilang saglit lang ay agad ding bumalik at muling pinagbabaril ang biktima upang masigurong hindi na ito mabubuhay pa.

Base sa mga kaanak ng biktima, bago ang insidente ay mayroon nang natatanggap na pagbabanta sa kanyang buhay ang pulis subalit ipinagwawalang bahala lang umano niya ito.

Inaalam pa ng pulisya kung may kinalaman sa kanyang trabaho o personal na motibo ang naganap na pamamaslang habang patuloy ang ginagawang imbestigasyon hinggil sa kaso. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.