Abante Tonite Interactive

Pulis tinodas sa gitna ng EDSA

485

Pitong tama ng bala mula sa hindi pa malamang uri ng baril ang kumitil sa buhay ng isang pulis na umano’y nakatalaga sa National Capital Region Police Office (NCRPO) makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang riding-in-tandem habang binabagtas ang kahabaan ng southbound lane ng EDSA-Connecticut sa San Juan City kahapon.

Naganap ang pamamaril bandang alas-tres, Martes nang hapon kung saan nakabulagta sa EDSA ang biktimang si SPO2 Solomon Cugay, nakatalaga sa NCRPO sa Camp Crame, na pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang riding-in-tandem habang sakay ang biktima ng kanyang MIO soul motor na walang plaka.
Nagdulot naman ng mabigat na daloy ng trapiko sa south bound ng EDSA-Santolan-Connecticut ang insidente.

Inaalam pa ng San Juan Police ang sanhi ng pamamaril habang maagap namang nagresponde ang ilang tauhan ng Philippine National Police-Highway Patrol Group.

Ayon Senior Supt. Ariel Fulo, San Juan City Police chief, nananawagan sila sa ilang nakasaksi sa EDSA na kung may nalalaman sa naganap na insidnete ay ipagbigay-alam agad sa pulisya upang malutas ang krimen. (Vick Aquino)