Abante Tonite Interactive

Pulis todas sa presinto

441

Iniimbestigahan ng Manila Police District – homicide section (MPD-HS) kung may foul play o inatake sa puso ang isang pulis-Maynila na natagpuang walang buhay sa loob ng Manila Police District-Police Station 8 kahapon sa Sta. Mesa, Maynila.

Nabatid na isinugod pa ng kanyang mga kasamahang pulis sa Lourdes Hospital ang biktimag si P/SSgt. Jeron Jabagat y Ballesteros, 31, may- asawa, nakatalaga sa Station Anti-Illegal Drug Enforcement Team ng MPD-PS 8. Gayunma’y binawian din ito ng buhay.

Sa imbestigasyon ni P/MSgt. Donald­ Panaligan, ng MPD-HS, alas-8:45 ng umaga, nang makitang nakadapa at walang malay ang biktima.

Inakala umanong natutulog lamang ito kaya ginising pero hindi na umano gumagalaw ang pulis kaya kaagad itong isinugod sa pagamutan. (Juliet de Loza-cudia)